beben-eleben:
Posible mangyari yan pero hindi ako naniniwala dyan. Kasi hindi maiiwasang masaktan tayo ng mga mahal natin sa buhay. Maaari tayong magpatawad sa paglipas ng panahon. Matututunan ng puso nating magpatawad sa kabila ng sakit na naramdaman natin. Pero ‘yung kalimutan sila, sa tingin ko, hindi mangyayari ‘yun. Kapag napatawad natin ang mga taong nanakit sa atin, masasabi na lang natin na parang wala na ‘yung ginawa nila. Pero hinding-hindi dapat natin kalimutan ‘yun. Kasi gagamitin natin ‘yun para matuto tayo at maging mas matatag at mas mabuting tao. Madaling magpatawad ng mga taong naging dahilan ng paghihirap natin sa buhay ngunit mahirap nating kalimutan ang ginawa nila sapagkat parte na ‘yun ng ating buhay.